[Home]Gaston J. Algard

Gaston J. Algard


Ang isang manunulat na may lakas loob sa buhay

Gaston Javier Algard, anak nang isang mamamayang britaniko (Joseph Gaston Algard) at isang pilipina (Marisol Foronda Javier), ay ipinanganak noong 1938 sa hilagang Pilipinas sa panahon nang World War II, bago ang paglusob nang mga Hapon. Gayon man, dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay ang kanyang ama na sa mga panahong ito ay foreign office official ay bumalik sa Europa. Kasama siya para maiwasan ang posibilidad na pagkabilanggo sa parte nang mga hapon. Dahil sa responsibilidad, at sa edad nangmga magulang, ang kanyang ina ay naiwan sa Pilipinas. Ang kanyang ama dahil sa mapanganib na aktibidad, ipinagkatiwala siya sa pinsang malapit na kamag-anak sa Milan, Italy, para maprotektahan sa batas nang mga puwersang pasista, itinala nila bilang tunay na anak. Ang bata, ay naiwan at lumaki sa Italya pagkatapos mamatay ang mga tunay na magulang at naging italyano. Nag-aral at natapos nya ang universidad sa Rome at Naples sa titolo ng statistica at criminology. Naging abogado sya. Siya ay nagtrabaho bilang isang tagasanguni para sa isang kompanya europeo sa hukuman. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, nakuha niya ang kanyang tunay na nasyonalidad, naghihintay sya upang makuha ang nasyonalita britaniko kagaya ng ama. Algard ay naging isang novelist at nitong huling sampung taon nakasulat siya nang ilang novela. Ang mga araw niya ngayon ay paglalakbay sa pagitan nang Switzerland, Malta at Pilipinas.


Algard ang novelista

Ang Author ay may espesyal na kasanayan sa kriminalita, dahil ang corrupsion at masamang tao ay madalas lilitaw kung saan hindi inaasahan. Ang kanyang kuwento ay hindi klasikong thriller o polar o french estile. Madalas na pinaguusapan ang estile Algard. Karaniwan sa kaniang mahinhin na ironiya naaaniwa ang masayang parte nang mga malubhang kaganapan. Ang Author ay mahilig magbasa ng mga kasaysayang aklat ng detektib, maliban sa kaniyang kaalaman frase sa inglese at francese isinusulat niya ang kanyang mga novela sa wikang italyano. Ang mga novela ni Algard ay mga pangyayari sa araw araw na buhay; ang patuloy na relasyon at pag-aaral sa kahinaan ng tao, hanggang humantong sa pagkagawa ng krimen. Lahat nito ay nagdudulot sa kanyang mga tagabasa ang kasabikan na buklatin ang susunod na pahina, para malaman ang susunod na pangyayari sa kuwento.

Katherine Goldsmith


ALL RIGHT RESERVED BY GASTON J. ALGARD
www.algardproductions.com
info@algardproductions.com
2005 - 2011